Tinangkang manghalay, itinumba

CAVITE, Philippines – Napatay ang 54-anyos na magsasaka na sina­sabing tinangkang halayin ang dalawang nene matapos itong pagtatagain ng ama ng magkapatid sa Barangay Esperanza Ibaba, bayan ng Alfonso, Cavite kamakalawa. Kinilala ni PO3 Dante Baje, ang biktima na si Antonio Rogacion habang sumuko naman  sa ilang opisyal ng barangay ang suspek na si Alex Valencia, 41, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nabatid na naaktuhan ng suspek ang biktima na tangkang halayin ang kanyang dalawang anak na babae kaya sinita nito. Gayon pa man, pumalag ang biktima kaya napilitang pagtatagain ng suspek. Cristina Timbang

Show comments