Drug pusher dedo sa buy-bust

BULACAN, Philippines – Napatay ang sinasabing notoryus na drug pusher matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Sto. Domingo 2nd, bayan ng Capas,Tarlac kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napatay na si Rico Bundalian, 44, ng Green Village, bayan ng Concepcion,Tarlac. Sa police report na nakarating sa Camp Olivas, Pampanga, inilatag ang buy-bust operation laban kay Bundalian na lulan ng Toyota Coralla na may plakang TTD-906 subalit nakatunog ito sa mga operatiba ng pulisya kaya tinangkang tumakas. Gayon pa man, nakipagbarilan si Bundalian sa tropa ng PNP kaya humantong sa kanyang kamatayan. Narekober ang cal .38 revolver, 7 pakete ng shabu, P50,000 cash at ang kotse na ginamit ni Bundallan.

Show comments