Trader itinumba ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napaslang ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Barangay Atulayan Sur, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang dealer ng livestock na si Roland Rey Razote. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Jessie Tamayo, hepe ng Tuguegarao City PNP, hinarang at pinagbabaril ng tandem ang biktima habang nagmamaneho ng puting Honda Civic. Hindi naman sinaktan ng gunmen ang babaeng kasama ni Razote bago tumakas.?

Sa tala ng pulisya, si Razote ay ikalawang biktimang hinoldap at niratrat ng tandem simula noong Nobyembre. Kinilala ang unang biktima na si Dionisio Singson, kawani sa City Registrar’s Office. Naglaan ng P.2 milyong pabuya ang pamahalaang probinsiya ng Cagayan para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pinagtataguan ng mga suspek.

Show comments