Motorbike thief, arestado

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang 31-anyos na insurance agent na sumikwat ng motorsiklo matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Abangan Sur, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Emmanuel Lara ng Barangay Bagong Silang sa Caloocan City. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Marcos Rivero, tinangay ng suspek ang motorsiklong pag-aari ni Rogelio Eugenio noong Linggo ng hapon (Dec. 7).   Naispatan naman ng biktima ang suspek na nagmomotorsiklo sa kahabaan ng MacArthur Highway kaya ipinagbigay-alam nito sa pulisya. Sa tala ng pulisya, ang suspek ay sangkot din sa serye ng nakawan ng motorsiklo sa nasabing bayan.

 

Show comments