Davao kagawad tiklo sa buy-bust ng PDEA

MANILA, Philippines – Timbog ang isang barangay kagawad sa Davao del Norte matapos makuhanan ng ilegal na droga sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakilala ang suspek na si Jojo Bitte, 42, kagawad sa Barangay Guadalupe, Carmen, Davao del Norte.

Nasakote si Bitte matapos pagbentahan ng shabu ang isang undercover agent ng PDEA noong Nobyembre 21 sa Purok 1-A, Barangay San Isidro sa bayan ng Carmen bandang alas-2 ng hapon.

Nabawi mula sa suspek ang isang pakete ng shabu, motorsiklo, celluar phone at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyang nakakulong si Bitte sa Davao City Police Office.

Show comments