Retiradong pulis, nag-suicide

BULACAN, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 54-anyos na retiradong pulis matapos itong magbaril sa sarili habang nakikipag-inuman sa ilang kaibigan sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si ex-SPO2 Federico Jose ng Mapayapa Street, Brgy. Sta. Cruz sa nasabing bayan. Base sa ulat ni PO2 Marjo Sidayen, nakikipag-inuman ng alak ang biktima sa ka-live-in nitong si Kimberly Chicote at sa bisitang si Maria Luisa Tan nang biglang pumasok ito sa kaniyang kuwarto. Paglabas ay bitbit na ang cal. 9mm pistol kung saan ipinutok nito sa kanyang ulo. Nagulantang naman sina Chicote at Tan sa ginawa ng biktima kaya mabilis itong dinala sa nasabing ospital subalit namatay din habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments