4 tiklo sa pot session

Narekober ng mga tauhan ni P/Supt. Marcos Rivero ng cal. 38 revolver, shabu at mga drug paraphernalias matapos maaresto ang apat na suspek sa aktong pot session sa isang apartment sa Town and Country Executive Village sa Brgy. Abangan Norte, Marilao, Bulacan kamakalawa. (Kuha ni Boy Cruz)

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng apat na lulong sa droga makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa aktong pot session sa isang apartment sa subdivision sa Barangay Abangan Norte, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Michael Moraga, 38, ng Brgy. Abangan Norte; Cosary Pangcoga, 20; Wendy Barba, 24, kapwa nakatira sa Northville 3, Brgy. Bayugo; at si Alvin Jingco, 38, ng Brgy. Bancal Extention sa Meycauayan City, Bulacan. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Marcos Rivero, sinalakay ng pangkat ng PNP ang isang apartment sa Town and Country Executive Village makaraang makatanggap ng impormasyong may nagaganap na pot session. Nasamsam sa mga suspek ang isang cal .38 revolver, 2 plastic sachet ng shabu, ilang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, weighing scale at drug paraphernalias.

Show comments