No. 6 most wanted KFRG leader, timbog

MANILA, Philippines – Nasakote na ng mga awtoridad ang isang tinaguriang No. 6 most wanted at notoryus na lider ng kidnap for ransom group (KFRG) kasama ang live-in partner nito matapos silang magpasita sa isang police checkpoint kamakalawa sa Brgy. Bahi, Alburquerque, Bohol.

Kinilala ni PNP-AKG Director P/Sr. Supt. Roberto Fajardo ang suspek na si Tyrone Bianco de la Cruz, umano’y sangkot sa kidnapping for ransom sa Metro Manila at karatig lalawigan. Arestado rin ang live-in partner nitong si Jhean Louise Bitoy, na wanted din sa batas.

Bandang alas-3:15 ng hapon nang masakote ng elite operatives ng PNP-AKG at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Intelligence Groups at Bohol Police ang mag live-in partner sa nasabing lugar.

Ayon kay Fajardo si de la Cruz ay may warrant of arrest na inisyu ni Judge Bernelito Fernandez ng Regio­nal Trial Court Branch 92, 4th Judicial Region, Calamba City sa kasong kidnapping for ransom. Samantalang  si Bitoy ay may warrant of arrest sa pagtulong sa  pagtakas ng puganteng live-in partner na si dela Cruz sa Cavite Jail noong 2013.

Sakay ng Toyota Corolla (TEY-814) ang dalawang suspek na dumaan sa checkpoints ng pulisya na tumangging sumailalim sa inspeksyon nang paharurutin ang behikulo kaya hinabol ng mga awtoridad. Aksidente namang ­su­­ma­l­­­pok sa poste ng kuryente ang behikulo  bunsod upang masugatan at masakote ang dalawang suspek.

Show comments