Lolo itinumba ng tandem

CAMARINES NORTE, Philippines -  Pinaglalamayan na ang 69-anyos na lolo matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa balkunahe ng kanyang bahay sa panibago na namang karahasang naganap sa Barangay Taban, bayan ng Minalabac, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Base sa police report, nagkakape ang biktimang si Romulo Obeña nang lapitan at pagbabarilin ng tandem bandang alas-5:30 ng umaga. Lumitaw din sa imbestigasyon na tinanong pa ng gunman ang pangalan ng biktima saka isinagawa ang pamamaril.

 

Show comments