Tserman, trader nag-duelo, patay pareho

Kabacan, North Cotabato, Philippines – Kapwa bumulagta ang isang  60-an­yos na trader at kabarilan nitong chairman ng barangay sa Quirino St., Poblacion, Kabacan, Cotabato kahapon ng tanghali.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nasawi na sina Jerry Manalo, punong barangay ng Aringay sa nasabing bayan at si Clemente Molina, residente ng Plang Village ng nabanggit na bayan.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, matagal nang may hidwaan ang dalawa na muling nag-krus ang landas kung saan nagtalo at nauwi sa pagbabarilan.

Sa impormasyong ipinarating ni Kapitan Mike Remulta ng Poblacion, Kabacan, unang binaril ni Molina si Manalo kaya gumanti rin ito ng putok.

Namatay noon din si Molina na nagtamo ng tama sa ulo habang ang kapitan ng barangay naman ay naisugod pa sa pagamutan subalit binawian din ito ng buhay.

Inatasan na ni Mayor Herlo Guzman Jr., ang mga kapulisan na magsagawa ng masusing pagsisiyasat sa insidente.

 

Show comments