Guro tiklo sa drug bust

QUEZON, Philippines - Bumagsak sa kulungan ang isang guro sa pampublikong paaralan na sinasabing tulak ng droga makaraang arestuhin ng pulisya  sa inilatag na operasyon, kamakalawa sa Barangay Poblacion sa bayan ng Tag­kawayan, Quezon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Rosales na pansamantalang hindi tinukoy ang eskuwelahang pinapasukan sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon, bandang alas-7 ng umaga ng arestuhin ang suspek kung saan nakumpiskahan ng ilang plastic sachet ng shabu, ilang piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalias. Binanggit din ng pulisya na may ilang araw na isinailalim sa surveillance ang suspek bago isagawa ang operasyon.

Show comments