P7-M ‘damo’ nasamsam

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tinatayang aabot sa P7-milyong halaga na taniman ng marijuana  ang nadiskubre makaraang salakayin ng mga operatiba ng pulisya at pangkat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang malawak na plantasyon sa Barangay Livcungan, bayan ng Sugpon, Ilocos Sur kamakalawa. ?Sa ulat ni PDEA Provincial Director Dexter Legaspi, umabot sa 24,170 tanim na marijuana, 30,600 buto at 30,500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang winasak. Wala namang inabutang mga tao na nagmamantine sa plantasyon.

Show comments