Trader dinedo sa harap ng misis

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Napatay ang 34-anyos na negosyante makaraang ratratin ng riding-in-tandem assassins sa harap ng kanyang misis habang nagmamaneho ng truck mula sa pagbebenta ng palay sa Barangay Valdez, bayan ng Marcos, Ilocos Norte kamakalawa. Napuruhan sa mukha ng bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si Jerson Bumanglag ng Barangay Escoda sa nabanggit na bayan.? Sa police report na isinumite kay P/Senior Insp. Arnel Tabaog, hepe ng Marcos PNP, sumubsob sa gilid ng kalsada ang truck ng biktima subalit hindi naman nagalusan ang misis nitong natulala sa nasaksihang pagpatay sa kanyang mister.?

 

Show comments