2 studes, sekyu grabe sa shootout

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dalawang estudyante at kasama ng mga itong sekyu ang nasugatan matapos masangkot sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa isang rambulan sa disco party sa Brgy. Balzain ng lungsod na ito kamakalawa.

Nakaratay sa ?People’s General Hospital ang estudyanteng sina Gerald Madriaga, 22, Antonio Tuliao, 19; at ang security guard na si Joel Villacorta, 24, ng Solana, Caga­yan.?Sinabi ng mga nagrespondeng pulis na nakilala lamang na sina PO1 Pavo at PO1 Apostol na napilitan lamang silang pumutok matapos barilin ng mga biktima ang kanilang patrol car.? Nabatid na nagkaroon ng rambulan sa pook ng kasayahan na nauwi sa barilan. Narekober sa crime scene ang isang cal. 9mm pistol at isang cal.38 revolver. ?

Show comments