Bata nalunod sa irigasyon

File Photo

QUEZON, Philippines – Patay ang batang lalaki na sinasabing mula sa tribung Dumagat matapos itong malunod sa irigasyon sa Barangay Anoling, bayan ng General Nakar, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rizal Muhammad Astoveza ng nasabing barangay. Base sa police report, dakong alas-2:30 ng hapon ay iniwan ng kanyang ina na si Merly ang biktima kasama ang nakatatanda nitong kapatid sa irrigation na may 25-metro ang layo sa kanilang kubo. Gayon pa man, nang balikan ni Merly ang kanyang mga anak ay nag-iisang naglalaro sa tubig ang panganay at nawawala na ang biktima. Kaagad na ginalugad ng Merly ang paligid ng irigasyon kung saan nakita ang bangkay ng biktima na nakalutang sa irigasyon.

Show comments