STL collector dedo sa holdap

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 53-anyos na kolektor ng Small Town Lottery (STL) matapos itong ratratin ng di-kilalang holdaper sa Barangay Sulucan, bayan ng Angat, Bulacan kahapon ng madaling araw. Napuruhan sa ulo at leeg ang biktimang si Ramon Fajardo ng Barangay Sto. Cristo sa nabanggit na bayan. Ayon kay PO3 Eduard Occeña, papauwi na ang biktima na bitbit ang kinobrang pera na napanalunan ng isa sa mananaya nang harangin at holdapin sa madilim na bahagi ng nasabing barangay. Gayon pa man, tinangkang manlaban ng biktima kaya siya tinuluyang pagbabarilin hanggang sa mapatay kung saan tinangay ng holdaper ang bitbit ng biktima na mala­king halaga.

Show comments