Tomboy inaway ng nobya, nagbigti

CAMARINES NORTE, Philippines  -  Pinaniniwalaang dinamdam ng 18-anyos na tomboy ang awayan nila ng nobya kaya nagdesis­yong magpaslubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa palikuran ng kanilang bahay sa Purok 2, Barangay Calabagas, bayan ng San Vicente, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Sa ulat na nakarating kay  P/Chief Insp. Antonio Perez, bandang alas-11 ng umaga nang matagpuang nakabitin  ang biktimang si Jezel Seraldy, tubong Barangay Minaga, bayan ng Polangui, Albay at pansamantalang naninirahan sa nasabing bayan. Base sa ulat, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-away sa kanyang nobya kaugnay sa pakikipaghiwalay na sinasabing tinutulan ng una hanggang sa maganap ang insidente.

Show comments