Kinalasan ng syota, nag-suicide

CAVITE, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 19-anyos na estudyante na sinasabing kinalasan ng syota matapos itong lumaklak ng silver cleaner kahapon ng umaga sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Bandang alas-6:30 ng umaga nang matagpuang nakabulagta at bumubula na ang bibig ng biktimang si Zacarias Abella ng Block 4, Lot 21 sa Barangay Poblacion 1 sa nasabing bayan. Narekober ng pulisya ang cellphone ng biktima na may mga text messages kaugnay sa pakikipaghiwalay ng kanyang syota na pinaniniwalaang dinamdam nito.

 

Show comments