Mini bus vs trak 1 patay, 22 sugatan

MANILA, Philippines – Utas ang tsuper ng tanker trak matapos makabangga ang isang mini bus sa lalawigan ng Bataan ngayong Biyernes.

Nakilala ang nasawing biktima na si Alex Moncal na kaagad binawian ng buhay.

Bukod kay Moncal, 22 katao pa ang sugatan na kaagad naman naisugod sa magkakaibang hospital, kabilang ang bus driver na si Ronnie Laureto na sa kritikal na kondisyon.

Ayon sa pangunang imbestigaasyon nagsalpukan ang dalawang sasakyan sa KM 240 Roman Highway, Barangay Lamao sa Limay, Bataan.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon  ng mga awtoridad sa insidente.

Show comments