Mag-aama kinatay ng kapitbahay

Duguang nakahandusay ang mag-aama matapos pagta­tagain ng suspek na ngayon ay nakakulong sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Lasam, Cagayan. Raymund Catindig  

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Karumal-dumal na kamatayan ang naging katapusan ng mag-aama matapos na pagtatagain ng kanilang kapitbahay na lango sa alak dahil sa matinding hidwaan sa sinasakahang lupain sa Barangay Viga, bayan ng Lasam, Cagayan kamakalawa.

?Kinilala ni P/Insp. Leon Umbrero, hepe ng Lasam PNP ang mga mag-aama na sina Benito Suguitan, anak na sina Judito Sugui­tan, at Joel Suguitan habang na­sakote sa follow-up ope­ration ang suspek na si Romel Banza, magsasaka, at mga nakatira sa nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon na lango ang mag aama nang magbalik-tanaw ng mapait na alala bilang magkakapitbahay na ibinintang sa kanilang pamilya ang paninira sa pananim ng suspek. ?

Lingid sa kaalaman ng mga biktima ay namuo ang masamang balak ng suspek na sinasabing nakaubos ng tatlong bote ng alak nang sundan niya ang mag-aama sa kanilang kuwarto habang natutulog saka pinagtataga hanggang mapatay. ?

Kaagad na tumakas ang suspek subalit nadakip naman ng pulisya sa isinagawang follow-up operations kung saan pormal na kinasuhan.

Show comments