May-ari ng gasolinahan, nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang 45-anyos na may-ari ng gasolinahan matapos itong pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Antonino, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa ng gabi.? Kinilala ni P/Insp. Samuel Lopez, hepe ng Alicia PNP ang napatay na si Marcial Benitez na nagtamo ng walong tama ng bala ang cal. 45 pistol. Lumalabas sa imbestigasyon na inabangan ng gunman ang biktimang nagmamaneho ng SUV saka niratrat sa madilim na bahagi ng kalsada.? Sinisilip ng pulisya ang anggulong alitan sa negosyo ang isa sa motibo ng gunman.

 

Show comments