Misis dinedo ng ka-live-in

BULACAN, Philippines  – Napaslang ang 38-anyos na misis habang kritikal naman ang anak na babae makaraang pagsasaksakin ng kanyang ka-live-in na sinasabing may diperensya sa pag-iisip kamakalawa ng gabi sa Barangay Parada, bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Namatay habang ginagamot sa Bulacan Medical Center sa Malolos City si Lorna Arisgado habang nasa kritikal na kalagayan ang anak nitong si Rylle Arisgado, 5, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Arestado naman ang suspek na si Orlando Adduru, 31, dating sekyu at nakatira sa Sitio Ibayong Tabon sa Barangay Parada. Sa imbestigasyon ni SPO1 Lucita Balicud, nagkainitan ang magka-live-in sa hindi nabatid na dahilan kaya naganap ang insidente sa bahay ng mag-ina bandang alas-9 ng gabi.

 

Show comments