Barangay chairman itinumba

BATANGAS , Philippines – Pinabulagta ang 62-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang gunman sa Barangay Sabang, Lipa City, Batangas kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Chairman Onofre Maloles ng Barangay Sta. Teresita sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas. Sa police report na nakarating kay P/Insp. Hazel Luma-ang, Lipa city police public information officer,  bumibili si Maloles ng feeds sa tindahan sa bisinidad ng Gen. Luna Avenue sa nasabing barangay nang lapitan at ratratin ng gunman bandang alas-7:20 ng umaga. Sa salaysay ng mga saksi, nakasuot ng itim na jacket, pulang helmet at short pants ang gunman na tumakas sakay ng motorsiklo.

Show comments