3 kalaboso sa pot session

CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong adik sa droga makarang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa palikuran ng bahay sa Barangay Poblacion 7, bayan ng Mendez, Cavite kamakalawa ng madaling araw. Sa police report na nakarting sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, kinilala ang mga suspek na sina Isidro “Jun-Jun” Magdadaro, 42; Jay Arcanaria, 20; at si Arnel Garilao, 31, mga nakatira sa nasabing barangay. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu at mga drug paraphernalia. 

Show comments