Jailbreak: 4 preso pumuga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinag-iingat ngayon ang publiko laban sa apat na pugante ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology sa bayan ng Cabarroguis, Quirino na napaulat na nangholdap at tumangay sa traysikel sa Santiago City noong Sabado ng gabi. (Sept 13).? Sa ulat na natanggap ni P/Senior Supt. Alexander Santos, nakatalon ang may-ari ng trike na si Froilan Dionisio habang hostage ng apat na pugante sa loob ng kanyang sidecar. Kinilala ni Dionisio sa rouge gallery ng pulisya ang isa sa tumutok ng baril sa kanya na si Roberto Afan ng Brgy. Aurora West, bayan ng Diffun, Quirino habang ang kasama nito ay sina Reminal Cabe, Roberto dela Cruz, at si Danny Bayani. Nabatid na nakatakas ang apat nang talunin ang mataas na pader ng bilangguan matapos payagan ng mga guwardiya na magsalok ng tubig na ipambubuhos sa palikuran. 

Show comments