Obrero inutas dahil sa manok

QUEZON, Philippines – Nagmistulang kinatay na karne ng hayop ang katawan ng 47-anyos na obrero matapos na pagsasaksakin ng sariling kumpare dahil lamang sa sasabunging manok, kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Silangang Malicboy, bayan ng Pagbilao, Quezon. Agad na namatay ang biktimang si Lusito Manalo habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jefty Gamal, 35. Sa imbestigasyon ng pulisya, magkasamang nakaupo sa kubo ang magkumpare at pinag-uusapan ang sasabunging manok na ilalaban nila sa derby. Gayon pa man, bigla na lamang nagtalo ang dalawa dahil hindi mapagkasunduan kung sino ang magdadala ng manok sa sabungan kaya nagalit ang suspek at pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang kanyang kumpare. 

Show comments