Holdaper pinabulagta

BULACAN, Philippines – Isang lalaki na dati ng may kinasasangkutang kaso ng roberry-holdup ang pinabulagta ng hindi pa nakilalang salarin habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy. San Roque Baliwag, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Tatlong tama ng bala na tumama sa iba’t- ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Menandro Mariano, 40, residente ng Brgy. Pansumaloc sa bayan ng San Rafael.

Base sa imbestigasyon nina PO3 Maurice Cruz at PO2 Joselito Guevarra dakong alas-9:00 ng umaga ay kasalukuyang binabagtas ng biktima ang kalsada sa Tiongson St., Brgy. San Roque lulan ng motorsiklong Rusi nang bigla siyang tabihan ng isa pang motorsiklong Honda Wave lulan naman ang dalawang lalaking salarin.

Nang mapatabi ay dito na binunot ng backrider ang isang .45 kalibre ng baril saka pinaputukan ang biktima na ikinasawi nito, habang mabilis namang tumakas ang mga suspect.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

Show comments