2 ‘sinalvage’ sa highway

CAMARINES NORTE, Philippines  – Pinaniniwalaang mga notoryus na kriminal ang dalawang lalaki na sinalvage saka inabandona sa gilid ng highway sa Sitio Napatas, Barangay Baliuag, bayan ng Minalabac, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Jun Malong, ang mga biktima ay nasa edad 30 hanggang 35 at may mga tama ng bala ng cal. 45 pistol. Nakagapos ang mga kamay at paa ng mga biktimang naka-violet  at green na sando, gray shorts at green slippers. Inaalam ng pulisya kung may criminal record ang mga biktima habang patuloy ang imbestigasyon.

 

Show comments