Jeepney vs bike: 2 dedo

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang sinalubong ni kamatayan makaraang sumalpok ang sinasakyan motorsiklo sa pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway sa Barangay Pasong Kawayan 2 sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi. Kapwa idineklarang patay sa Divine Grace Medical Center ang mga biktimang sina Jessie Villanueva, 29; at Reynaldo Villanueva, 58, kapwa nakatira sa Barangay Maymangga, bayan ng Amadeo, Cavite. Nahaharap naman sa kasong kriminal ang drayber ng jeepney na si Adriano Colada, 53, ng Barangay Buenavista 1 sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na sinakop ng motorsiklo ng mga biktima ang kabilang linya ng kalsada  kaya sumalpok sa kasalubong na jeepney (DRV-286) ni Colada.

 

Show comments