3 grabe sa sumabog na dinamita

CAVITE, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang 6-anyos na nene ang malubhang nasugatan matapos sumabog ang dinamita na hawak ng isa sa dalawang mangingisda sa Barangay Ligtong 1, bayan ng Rosario, Cavite kahapon ng umaga.? Isinugod sa St. Martin Hospital ang mga biktimang sina Christine Convento, 6; Alfie Convento, 28; at si Aldrin Zabra, 22, kapwa mangingisda at nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, hawak ni Zabra ang dinamita habang kausap si Convento nang mabitiwan nito ang pampasabog na sinindihan.? Gayon pa man, sumabog ang dinamita kung saan nadamay ang batang naglalaro sa bakuran ng kanilang bahay habang nahaharap naman sa kaukulang kaso ang dalawa na isinampa ng pulisya sa prosecutors office.

Show comments