MMDA officer itinumba sa Cavite

MANILA, Philippines - Tinambangan sa harap mismo ng kanyang bahay ang isang opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa ulat ng dzMM, nakilala ang biktimang si Russel Jun Sindac, 43, operation officer ng MMDA na nakatalaga sa Coastal Road.

Base sa pangunang imbestigasyon, sakay ng sasakyan na nakaparada sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Salitran 1 si Sindac nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng krimen.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis at ang pagtutukoy sa mga nasa likod ng pananambang.

Show comments