Guro tumba sa motorbike crash

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 26-anyos na binatang guro matapos na sumalpok ang kanyang motorsiklo sa railing na bakal sa kahabaan ng highway sa Barangay San Vicente, bayan ng Castilla, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Sorsogon Provincial Hospital ang biktimang si Conrado Navarro Jr. ng Purok 2, Barangay Dita sa bayan ng Gubat, Sorsogon. Nabatid na pauwi na ang biktima mula sa Legazpi City nang mawalan ng kontrol sa manibela kaya sumalpok ang motorsiklo sa railing na bakal.

 

Show comments