Umiwas sa aso, obrero patay

CAVITE , Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa 28-anyos na factory worker habang sugatan naman ang kasama nito matapos na sumalpok ang kanilang motorsiklo sa poste ng kuryente dahil sa  pag-iwas sa asong tumatawid sa kahabaan ng Naic-Indang Road sa Barangay Halang sa bayan ng Naic, Cavite kahapon. Hindi na umabot ng buhay sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktimang si Doven Quimson habang sugatan naman si Arjay Vasquez, 24, kapwa factory worker; at mga nakatira sa Barangay Palangue 3 sa nasabing bayan.

 

Show comments