Trader inutas sa lodging inn

MANILA, Philippines - Napatay ang 62-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa loob ng pag-aaring lodging inn sa Barangay San Juan, bayan ng Balayan, Batangas noong Huwebes ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Madona General Hospital ang biktimang si Perfecto Caraig  sanhi ng tinamong tama ng bala sa pisngi na naglagos sa kaniyang ulo. Sa police report na nakarating kay Batangas PNP director P/Senior Supt. Jireh Omega Fidel, nakaupo ang biktima sa gilid ng pag-aaring Baybay Lodge inn nang lapitan at ratratin gunman. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 45 pistol at apat pang bala na hindi naiputok.

Show comments