Mag-utol kinatay ng barangay kagawad

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Napatay ang mag-utol na senglot matapos pagsasaksakin ng isang barangay kagawad na mabigo itong awatin sa kinasasangkutang kaguluhan sa Barangay Linao, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. ?

Kinilala ni PO3 Emmanuel Padul ang mag-utol na sina Arnold Calantas, 38; at Albert Calantas, 36, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Kagawad Jonard de Ocampo, 36, mga nakatira sa nasabing barangay.?

Lumalabas sa imbestigasyon na magkakasamang nakipag-inuman ang mag-utol at ilang kaibigan kabilang na ang suspek sa kabilang ibayo.

Gayon pa man, sumiklab ang kaguluhan matapos makipagtalo ang mag-utol sa ilang kasamahan dahil sa kakulitan ng dalawa na sinasabing lango na sa alak.

Namagitan naman ang kagawad pero imbes na humupa ang tensiyon ay pinagdiskitahan ng mag-utol  ang suspek hanggang mauwi sa pananaksak.

Show comments