Kotse vs trak: 2 sekyu utas

BATAAN, Philippines - Dalawang security guard na nakadestino government arsenal ang namatay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang kotse at trailer truck sa kahabaan ng Roman Highway sa Barangay Alas-Asin, bayan ng Limay, Bataan kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Flyy Dongbo, ang mga namatay na sina Rayland Macapulay, 36; at Jerry Orilla, 50, habang kritikal naman sina Rachel Samong, 25, ng Landing Limay; at Richard Peñaflor ng Villa Leonor. Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang sakuna dakong alas-6 ng umaga kung saan nagsalpukan ang  Nissan Sentra (UPR-824) ni Macapulay at LPG trailer truck (TFY-282) ni Domingo Danozo. Naisugod naman sa Maheseko Hospital ang mga biktima subali’t namatay din sina Macapulay at Orilla.  

Show comments