200 'nalason' sa feeding program

File photo

MANILA, Philippines — Laman tyan  sana ang sinadya ng 200 residente ng Medina, Misamis Oriental ngunit sa kasamaang palad ay pananakit ng tyan ang kanilang sinapit sa isang barangay feeding program.

Pinaiimbestigahan na ni Misamis Oriental Governor Yevgeney Vicente "Bambi" Emano ang insidente matapos mamahagi ng libreng pakain ang mga barangay health workers.

Wala namang nasawi sa insidente at tiniyak na rin ni Emano na sasagutin ng lokal na pamahalaan ang gastusin sa ospital ng mga biktima.

Hinihinalang panis na ang pinakaing baka na inihanda bilang paggunita sa anibersaryo ng barangay.

Show comments