Palengke nasunog

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Tinupok ng  apoy ang ilang bahagi ng pamilihang bayan sa naganap na sunog sa  Lamut, Ifugao, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay Ifugao Police Director Sr . Supt John Colinio, nagsimula ang sunog dakong hatinggabi ng Biyernes .

Naapula naman ang sunog bandang alas-5:30 ng umaga nitong Sabado. Wala naman nasaktan sa nasabing sunog.?

Patuloy pa rin inaaalam ng Bureau of Fire Protection ang halaga ng napinsala sa nangyaring insidente.

Show comments