Motorbike vs trak: Brodkaster grabe

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Nakikipaglaban kay kamatayan ang beteranong komentarista/brodkaster sa radio station makaraang mahagip ng delivery truck ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Naguiddayan, bayan ng Bantay, Ilocos Sur kamakalawa. Kasalukuyang nasa Metro Vigan Cooperative Hospital ang biktimang si Danilo Tajon ng Barangay Quimmarayan sa bayan ng Sto. Domingo, Ilocos Sur habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng trak na si BD Aguilar ng San Nicolas. Ilocos Norte. Lumalabas sa imbestigasyon na tinangkang lagpasan ng trak ni Aguilar ang motorsiklo ng biktima subalit hindi nito natantiya ang distansya kaya naganap ang insidente.

Show comments