^

Probinsiya

Misis ng ex-PNP col. kritikal sa akyat-bahay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakikipaglaban kay kamatayan ang 59-anyos na misis makaraang pagsasaksakin sa ulo ng mga armadong miyembro ng Akyat-Bahay Gang na nanloob sa kanilang tahanan sa Barangay Libertad, Butuan City sa Agusan del Norte kamakalawa.

Kasalukuyang nasa Butuan Doctors Hospital ang biktimang si Edna Curitana, misis ni ret. P/Senior Supt. Celso Curitana.

Ayon sa imbestigasyon, nagkataong wala ang mister ng biktima nang pasukin ng mga kawatan ang kanilang tahanan sa Village II bandang alas-8 ng gabi.

Sa salaysay ng houseboy ng mag-asawa na si Ronald Nazarte, matutulog na umano siya sa unang palapag ng bahay ng pamilya Curitana nang makarinig ng mga  yabag at usapan ng mga kawatang pumasok.

Sa matinding takot ay nagtago si Nazarte sa ilalim ng kama at mabuti na lamang at hindi nakita ng buksan ang pinto ng kaniyang silid.

Sumunod namang pinasok ng mga kawatan ang silid ng biktima kung saan nagkaroon ng komosyon at pinagsasaksak ng akyat-bahay ang biktima.

Nang makaalis ang mga kawatan ay lumabas ng silid si Nazarte at humingi ng tulong sa anak at kapatid ng babae na nakatira rin sa nasabing compound kung saan mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima.

Narekober sa likuran ng bahay ang naiwang itim na shoulder bag ng biktima na may P4,000 habang nata­ngay naman ng mga kawatan ang P.5 cash at mga  mamahaling alahas na aabot sa halagang P1 milyon.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY LIBERTAD

BUTUAN CITY

BUTUAN DOCTORS HOSPITAL

CELSO CURITANA

EDNA CURITANA

NAZARTE

RONALD NAZARTE

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with