2 bata patay sa landslide sa Rizal

MANILA, Philippines – Nailibing ng buhay ang dalawang bata matapos matabunan ng gumuhong lupa dahil sa malakas na pag-ulan sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nakilala ang dalawang biktima na sina John Michael Amor, 6, at ang tatlong-taong-gulang niyang kapatid na si Rey.

Natabunan ang bahay ng mga biktima sa Sitio Banbanin, Lukutang Maliit, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal ngayong Miyerkules.

Naisugod pa sa ospital ang dalawang bata ngunit idineklara na itong patay.

Ang malakas na buhos ng ulan kaninang madaling araw ang nakitang dahilan sa pagguho ng lupa.

 

Show comments