Fetus iniwan sa remittance center

BULACAN , Philippines   – Isa na namang fetus na sinasabing tatlong buwang gulang ang inabandona ng di-kilalang ina sa gilid ng remittance center sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon. Ayon kay PO2 Marlon Martus, abala sa trabaho ang isa sa kawani ng LBC remittance center na si Marilyn Castos-Sabando nang napansin nito ang plastic bag na nasa gilid ng kanilang kompanya. Gayon pa man, nang siyasatin ni Sabando ang loob nito ay bumungad ang bangkay ng batang babae. Kasalukuyang nirerebisa ang mga kuha ng CCTV camera ang posibleng pagkakakilanlan ng suspek na nag-iwan ng plastic bag.

Show comments