Cafgu nagbaril sa sarili

NORTH COTABATO, Philippines - - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 41-anyos na miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang magbaril sa sarili sa compound ng military detachment sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Tirso Fontillas Perdido ng Barangay Gayonga, Northern Kabuntalan, Maguindanao. Sa ulat na nakalap kay P/ Supt. Renante delos Santos, hepe ng Midsayap PNP, nagbaril si Perdido gamit ang Garand rifle sa isang bahay na nasa loob ng detachment na nakatalaga sa Barangay Olandang. Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan ang biktima na lumagos sa likuran ng katawan habang patuloy naman ang imbestigasyon dahil nilinis na ang crime scene at maging ang bangkay ng biktima nang rumesponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Show comments