Kotse tumilapon sa bangin, INC minister utas

MANILA, Philippines – Patay ang isang ministro ng Iglesia ni Cristo, habang tatlo pa ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyan nilang kotse sa isang bangin sa bayan ng Sultan Kudarat kahapon.

Kinilala ni Senior Inspector Ismael Madin, hepe ng Sultan Kudarat municipal police, ang nasawing biktimang si Freddie Itak, 40.

Sugatan naman ang tsuper na si Ariel Rizaldo, at mga kasamang sina Jay Tubio, 32, at Jun Bikog, 30.

Patungo sana sa bayang ng Lebak sa North Cotabato ang mga biktima nang mahulog ang sasakyan nila sa Cotabato-Davao Highway sa Barangay Ladja.

Nagpapagaling pa rin sa ospital ang mga nakaligtas na biktima.

Show comments