^

Probinsiya

Pedopilyang Aussie, kalaboso

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang 50-anyos na Australyano na pinaniniwalaang pedophile habang 20-naman kabataang lalaki ang nailigtas sa isinagawang operasyon ng pulisya sa isang resort sa bayan ng Cordova, Cebu kamakalawa.

Isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Peter James Robinson, mechanical engineer na nagrenta ng dalawang kuwarto sa Cordova Home Village Resort sa nasabing bayan.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, ang mga biktima ni Robinson ay kinakaibigan nito saka niyaya na sumama sa resort kapalit ng perang iniaalok nito.

Habang nasa loob ng kuwarto ay pinaghuhubad at pinagsasayaw ang mga biktima habang hinihipo sa maselang bahagi ng kanilang katawan na kinukunan pa nito ng video footages.

Nadiskubre ang insidente matapos na isa sa mga biktima ang makalabas ng kuwarto ng hindi  namamalayan ng suspek at nagsumbong sa kaniyang mga magulang.

Agad namang humingi ng saklolo sa pulisya ang mga magulang sa natuklasang modus operandi ng suspek kaya nasakote ito bandang alas-5 ng hapon.

Sa presinto, ikinatwiran ng suspek na niyaya lamang niya ang mga kabataang lalaki na kumain at samahan siyang mag-swimming sa nasabing resort.

Nabatid naman sa pagsisiyasat ng pulisya na ito ang ikaapat na pagkakataon na nagtungo sa bansa ang suspek na ipinagharap na ng kasong kriminal.

vuukle comment

ARESTADO

AUSTRALYANO

CAMP CRAME

CEBU

CORDOVA

CORDOVA HOME VILLAGE RESORT

HABANG

ISINAILALIM

PETER JAMES ROBINSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with