11 tiklo sa shabu tiangge

Iniimbentaryo ng mga tauhan ni P/Supt. Nathaniel Villegas ang P.3- milyong halaga ng shabu, dalawang  baril at drug paraphernalias na nasamsam sa sinalakay na shabu tiangge sa Barangay Caingin, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa. Kuha ni BOY CRUZ  

BULACAN, Philippines – Umabot sa 11-katao na sinasabing nagre-repack ng shabu ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na drug bust operation sa tinaguriang drug den sa Barangay Cai­ngin, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Raul Nicolas, 47; Eduardo Tapang, 51; Ricardo Nicolas, 24; Robin De Guzman, 21; Richard Soliman, 43; ng Brgy. Caingin; Jay Aldrin Dizon, 33; Gary Nicolas, 39, ng Brgy. Antipona; Wilfredo Anzures, 32, ng Brgy. Burol 1st; Jayson Nicolas, 35, ng Brgy. San Juan, Balagtas; Rodrigo Roque, 34, ng Brgy. Corazon, Calumpit; at si Arlan Bantilan, 37, ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Pandi.

Sa ulat ni P/Supt. Nathaniel Villegas kay P/Senior Supt. Ferdinand Divina, sinalakay ang bahay ni Raul Nicolas na sinasabing shabu tiangge matapos magpositibo sa pagpapakalat ng bawal na droga.

Nasamsam sa mga suspek ang P.3 milyong halaga ng droga na kinabibila­ngan ng 23 plastic sachet ng shabu, bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana, mga drug paraphernalias, cal .45 pistol, cal.38 revolver, mga bala at ilang CCTV camera na nakakabit sa nasabing lugar.

Show comments