16-anyos ni-rape slay ng adik

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 16-anyos na dalagita na may pitong araw nang nawawala makaraang halayin ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga saka inabandona ang bangkay nito sa liblib na bahagi ng Barangay San Andres sa bayan ng Pandan, Catanduanes, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Adelio Castillo, bandang alas-9 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Lyka Bermejo na walang saplot sa katawan.

Huling namataang buhay ang biktima na nagpaalam sa kanyang nanay na si Elsie na maghuhugas ng mga plato sa kalapit na ilog subalit hindi na nakauwi noong Huwebes (Hunyo 5)

Nadiskubre ang insidente makaraang umalagwa ang masangsang na amoy mula sa kinalalagyan ng bangkay ng biktima na nagsisimulang maagnas.

Pinaniniwalaang inaba­ngan ang biktima saka isi­nagawa ang maitim na balak saka pinatay ng di-kilalang lalaki.

Show comments