Pawnshop hinoldap: 1 bulagta

Sinusuri ng isa sa mga tauhan ng Scene of the Crime Ope­rative ang isa sa apat na napatay na holdaper sa naganap na bigong holdapan sa BHF Pawshop and Gemline sa Dagupan City, Pangasinan kahapon. Cesar Ramirez

MANILA, Philippines - Nasilat ng mga operatiba ng pulisya ang panghoholdap sa BHF Pawnshop and Gemline matapos na makipagbarilan  ang  apat na holdaper kung saan napatay ang isa sa mga kawatan sa kahabaan ng A.B. Fernandez Avenue sa Dagupan City, Pangasinan kahapon ng tanghali.

Sa ulat ni P/Supt. Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan City PNP, pinasok ng apat na armadong holdaper ang nasabing pawshop kung saan nagpanggap umanong kustomer saka nagdeklara ng holdap.

Agad na pinadapa ang mga kawani ng pawnshop maliban sa kahera na inuutusang ilagay ang pera at mga alahas sa bag.

Nasilip naman ng guwardiya na nasa labas ng pawnshop ang insidente kaya agad na humingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang pulis.

Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa ang mga hol­daper sa mga pulis at ilang guwardiya na rumesponde kung saan isa sa mga holdaper ang bumulagta na inabandona ng mga nagsitakas na kasamahan.

Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkakakilanlan ng napatay na nakasuot ng kulay asul na t-shirt at naka-short.

Sa tala ng pulisya, ang nabanggit na pawnshop  ay hinoldap na rin ng mga miyembro ng Martilyo gang  noong 2012.

Show comments