Barangay tanod nilikida

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 55-anyos na barangay tanod habang ito ay nagpapahinga sa sala ng kanyang bahay kahapon ng madaling araw sa Sitio Crossing, Barangay Cabangcalan sa bayan ng Placer, Masbate. Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-2 ng madaling araw habang ang biktimang si Celestino Jumaos ay nakaupo sa loob ng kanilang bahay kung saan umiinom pa ito ng kape dahil katatapos lamang magronda. Sinamantala ng gunman ang pagkakataong nag-iisa ang biktima saka isinagawa ang pamamaslang bago tumakas. Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit namatay din.

Show comments