Mag-asawang Koreano, anak minasaker
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Mistulang sinapian ng masamang espiritu ang negosyanteng Koreano matapos na pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang kanyang biyanang mag-asawa at sarili nitong misis bago naglaslas ng pulso sa bigong suicide sa loob ng pag-aaring restaurant sa Barangay Maribago, Lapu Lapu City, Cebu kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Armando Radok, hepe ng Lapu Lapu City PNP ang mag-asawang Koreano na sina Ho An, Kim Soonok at anak na babae na si Young Mi An.

Samantala, natagpuang duguan sa crime scene ang suspek na si Kim Se Wong, asawa ni Young Mi An na naglaslas sa pulso at nasa impluwensya ng alak.

Naganap ang krimen sa Han Ga Wi Restaurant sa Sitio Bagong Bayan Dos bandang alas-2:23 ng mada­ling araw.

Si Kim Se Wong ay isinailalim na sa kustodya ng pulisya at isinugod sa Vicente Sotto Memorial and Medical Center.

Nabatid lamang ang insidente matapos magtungo sa nasabing lugar ang kaibigang Koreano ng pamilya kamakalawa ng hapon dahil hindi sumasagot sa phone calls ang mga biktima.

Gayon pa man, bumulaga sa security guard  na si Sharo Inting ang duguang katawan ng kaniyang among si Wong kaya naisugod sa nasabing ospital.

Narekober sa crime scene ang duguang kutsilyo na ginamit sa krimen.

Sinabi ng opisyal na  iniimbestigahan pa nila si Wong kung saan posibleng pinaslang muna nito ang mga biyenan at asawa saka tinangkang mag-suicide.

ARMANDO RADOK BARANGAY MARIBAGO HAN GA WI RESTAURANT HO AN KIM SE WONG KIM SOONOK KOREANO LAPU LAPU CITY SENIOR SUPT YOUNG MI AN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with